top of page
Post: Blog2_Post
Uel Cawaon

Ang Kasaysayan ng OPM (Original Pilipino Music

Ikalawang Bahagi

Hindi maikakailang kasama sa paglaki ng isang kabataan ang musika ng kaniyang panahon. Sumikat ang mga techno-music, hip-hop, at emo genres, ngunit ang pop genre ay hindi pa rin pahuhuli at sa tuwina ay nakikipagsabayan sa mga umuusbong na bagong genre ng musika.

Sila ang mga mang-aawit na sina:

  • Yeng Constantino na nagpasikat ng “Hawak Kamay,” at “Jeepney Love Story,”

  • Sarah Geronimo na mas lalong naging popular dahil sa mga awiting “To Love You More” at “I’ll Be There,”

  • Kitchie Nadal na lumikha rin ng sariling ingay dahil sa mga kantang “Huwag Na Huwag Mong Sabihin” at “Same Ground”


Silang tatlo ay ilan lamang sa mga lumikha ng sari-sarili nilang pangalan sa kasaysayan ng musikang-Pinoy na magpahanggang ngayon ay napanatiling malaki at matatag ang kanilang mga pangalan at kasikatan.

Sa pagtatapos ng ating araw-araw na klase, pinasayaw naman tayo ng mga bandang ito:

  • Itchyworms na naging popular dahil sa “Akin Ka Nalang” at “Beer”

  • Moonstar88 na nagpalakas ng ating loob na kumnata sa video dahil sa mga awiting “Migraine” at “Torete”

  • Up Dharma Down na nagkaroon ng sariling mga tagapakinig dahil sa mga awiting “Tadhana” at “Oo”

Sa paglipas ng panahon, nagbagong bihis ang OPM. Umayon ito sa dyanra at panlasa ng mga Pilipinong tagapakinig. Sa kasalukuyang panahon, tinitilian at iniidolo ng nakararami ang mga sumusunod:

  • Ben&Ben na kinikilala at patuloy na lumalaki ang bilang ng mga tagahanga dahil sa mga awiting “Ride Home,” at “Kathang Isip”

  • Moira dela Torre na nagpasikat ng “Titibo-tibo” at “Tagpuan”

  • Munimuni na nakilala dahil sa mga awiting “Maligaya” at “Kalachuchi”

  • Juan Karlos na pumatok sa masa ang kantang “Buwan”

  • December Avenue na nagpakilig sa mga Pilipino dahil sa “Kung Di Rin Lang Ikaw” at “Sa Ngalan ng Pag-Ibig”

  • IV of Spades na umawit ng “Mundo” at “Hey, Barbara”




Ang mga banda at musikerong nabanggit ay mas nagbigay pokus sa pinaghuhugutan ng kanta. Nagtataglay rin ng mas malambing at matamis na himig ang kanilang mga tinig. Ilan din sa kanila ay naglahad ng tinatawag na alt-rock genre.



Sa bawat paglipas ng panahon, kaakibat nito ang pagbabago - isang pagbabago na naglulunsad ng iba’t ibang pagkakataon. Mula dekada ‘70 hanggang sa kasalukuyang panahon, iba’t ibang dyanra ng Original Pilipino Music na bagamat mayroong pagkakaiba, iisa pa rin ang pintig ng dibdib, at iyon ay makapaghatid ng ligaya sa mga Pilipinong nagtataglay ng puso para mga awiting Pilipino. Magkakaiba man ang dyanra, bawat musika’y naglalahad ng ating kultura’t tradisyon, pagmamahal sa bayan at sa kapwa, pumupukaw ng bayanihan, at nagbibigay pagkilala sa husay at galing ng bawat musikerong Pilipino.


Tinatawid ng ating musika ang iba’t ibang panahon. Bata man o matanda, mayroong awit na nakalaan na ayon sa kanyang panlasa.


Para sa isang kabataang tulad ko, ang OPM ay isang mabuting instrumento upang maging muwang ako sa iba’t ibang kultura ng Pilipinas. Mayroong mga awiting nagiging daan upang ang mga emosyong hindi namin maipahayag ay malayang nasasambit sa pamamagitan ng awit.


Para naman sa mga nasa hustong gulang, sa pamamagitan ng mga kantang ito, nanunumbalik ang mga alaalang nakapagbigay ng kasiyahan, iba’t ibang emosyon at maging ang galimgim ng nakalipas na panahon.



Bawat nalilikhang awit ay malayang pagpapahayag ng mga Pilipino gamit ang wikang Filipino. Bawat orihinal na Pilipinong musika ay pagpapahayag na kanilang damdamin at ng kanilang kahusayan - kahusayang hindi kailanman magpapailalim sa Kanluran.



479 views0 comments

Comments


bottom of page