top of page
Post: Blog2_Post
Bianca Sy

Mga Sikat na Love Trope sa Pilipinas

Nararamdaman ba ninyo ‘yong kilig moments sa mga napapanood ninyo? Marahil, naranasan mo na rin ito tuwing naiisip mo ang crush mo. Pamilyar ka ba sa salitang “love trope?” Ano nga ba ito? Ayon sa Google, ito ay “(in a romantic novel) a plot, theme, device or character used so often that it has become a convention within the genre.” Ito ang mga eksena, tema, at mga karakter sa isang romantikong palabas. Dahil sa romantikong tema at eksena ng mga panooring ito, bumubuo ito ng koneksyon at nagpapakilig sa mga manonood. Sa maraming pagkakataon, naghahanap ang mga manonood ng kanilang mapaglilibangan at makapagbibigay sa kanila ng pahinga at saya. Kadalasan, ang mga panooring romantic-comedy at mga “feel good movie” ang hanap ng tao. Sa Pinoy-teleserye at pelikula, ito ang mga inabangan at sinusuportahan ng mga Pinoy viewers,” nariyan ang “Forbidden Love,” “Childhood Lovers,” at ang pinakasikat, “Enemies to Lovers.”


Paano nga ba binubuo ang isang Pinoy love trope? Kung ikaw ay suki ng mga Pilipinong teleserye, mapapansin mong klasiko ang pagkakabuo nito. Isa-isahin natin!


Isa sa mga tauhan, maaaring babae o lalake, ang mahirap o mayaman. Sa unang pagkikita, tatlong bagay ang puwedeng mangyari. Una, may eksenang magkakabungguan o magkakaagawan sa parking o kaya sa kape at mag-aaway sila. Pangalawa, “love at first sight” agad! Ikatlo,sSa simula pa lang ng kuwento, magkaibigan na sila. Magkakahiyaan sa una pero sa bandang huli, aamin din na gusto nila ang isa’t isa at bubuo ng mga romantikong eksena na bentang-benta sa mga manonood.


Sa gitna na pagmamahalan at pagpapakilig ng mga bida, papasok ang kontrabida. Guguluhin at bibigyan ng komplikasyon ang pagmamahalan ng mga bida. Maaaring mga magulang mismo ng mga bida ang kontrabida. Pero dahil “love conquers all,” ipaglalaban ng mga bida ang kanilang pag-ibig kahit na ito pa ay “against all odds.” Magwawakas ito sa mas nakakakilig na eksenang kasalan ng mga bida na may halong iyakan at tawanan.


Isang klasikong halimbawa ng love trope ay ang teleseryeng “Pangako Sa’Yo.” Sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales ang mga orihinal na nagbida sa teleseryeng ito. Ang mas makabagong bersyon ng dramang ito ay pinagbidahan naman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sina Yna at Angelo ang mga pangunahing karakter ng palabas na ito.


Sa panahon ngayon, apat sa mga sikat na love trope ang tinatangkilik ng mga tao, ang “Childhood Lovers,”Silly Red Shoes,” “Forbidden Love,” at “Enemies to Lovers.” Taglay ng apat na palabas na ito ang tinatawag na tamang formula ng tipikal na love trope - mga bidang magkikita, magkakainisan, mag-aasaran hanggang sa unti-unting matutuklasan ng mga bidang nagkakagustuhan na sila.


Sa kabuuan, ang mga ganitong palabas, teleserye, at pelikula ay hindi lamang nagpapakilig sa mga manonood. Nagbibigay rin ito ng “oras ng pahinga” at “sweet treat” sa mga taong pagod sa maghapong pagtatrabaho at sa iba pang responsibilidad. Kailangan lamang na maging maingat sa paglalaan ng oras sa panonood nang sa ganun ay hindi makalimutan ang iba pang mas mahalagang responsibilidad.


48 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page