top of page
Post: Blog2_Post
Juliana Sy

“Mga Balakid sa Edukasyon sa Panahon ng Pandemya”

Sinulat ni Juliana Simone O. Sy, G9 Damascus B

Ikatlong Gantimpala sa Pagsulat ng Lathalain, Word Cup Competition


Mas mabuti ba ang Japan kaysa sa Pilipinas? Kung ihahalintulad ang Pilipinas sa bansang Japan, sa limang taong tatanungin mo, apat sa kanila ang magsasabi ng “Oo, mas mabuti ang kalagayan ng bansang Japan kaysa sa Pilipinas”. Pero bakit? Hindi ba mas mayaman sa likas na yaman ang bansang Pilipinas? Ngunit, ang Japan ay may mas mahusay na teknolohiya at mas malaking ekonomiya. Ito ay nagdadala sa atin sa tanong na, paano natin mapapabuti ang ating bansa? Paano tayong maging kagaya o mas mahusay kaysa sa Japan, na kilala bilang isa sa mga pinakamaunlad na bansa sa mundo?


Ang sagot ay simple lamang. Edukasyon.


Isa sa dapat pagtuunan ng gobyerno ay ang mga balakid na kinakaharap ng mga mag-aaral sa online set-up. Hindi ba dapat mas madali ang pag-aaral sa online set-up dahil nasa kaginhawaan ka ng iyong tahanan? Bakit may napakalaking agwat sa pagitan ng pag-aaral online at pisikal? Isang dahilan ang kahirapan sa pag-angkop ng maraming mag-aaral sa pag-aaral online. Nagiging hamon sa mga mag-aaral na maintindihan ang mga aralin, dahil sa mga distraksyon at sa kanilang takot na mag-unmute sa klase kung may itatanong. Bukod dito, mahirap din para sa mga guro na subaybayan, at tingnan kung talagang naiintindihan ng mga bata ang mga aralin. Maliban dito, hindi lahat ay mayroong sapat na pananalapi upang bumili ng mga kagamitan at materyales na kailangan upang matuto nang maayos. Para sa marami, hindi sapat ang kanilang pera upang makabili ng isang laptop man lamang. Para sa ilang mga batang estudyante, kinakailangan nila ang gabay ng kanilang magulang upang matulungan sa pag-aaral.


Sa ngayon, habang nagsisimulang bumaba ang mga kaso sa COVID-19, kailangan nating samantalahin ang pagkakataong ito, at magsimulang umangkop dito. Para sa mga paaralan, dapat nilang unahin ang kalusugan, kaligtasan at nutrisyon ng mga mag-aaral


Bilang mga Pilipino, nais nating makitang umunlad ang ating bansa. Matapos makita ang mga epekto ng pandemya, dapat tayong umangkop sa mga pagbabagong ito. Isa sa mga pinaka importanteng kailangan nating gawin ay sulitin ang teknolohiya. Ang teknolohiya at edukasyon ang humuhubog sa hinaharap. Dapat nating suportahan at bigyan ng pananalapi ang mga batang gustong matuto at may potensyal na mapag-unlad ang kanilang kaalaman. Isa sa mga pamamaraan ay ang “overseas studying.” Bukod rito, dapat nating palakasin ang paggawa ng mga digital na produkto at mga materyales na tumutugon sa kakulangang pinansyal ng estado, upang ito ay maging mas mura at mas madaling makuha ng higit na nangangailangan nito. Ito ay para tayo ay maging mas independente, at para hindi natin kailangan umasa sa ibang bansa, upang mag-import sa atin ng mga produkto.


Ang mabuting edukasyon ay ang susi sa tagumpay ng bansa at ekonomiya. Ito ang magiging pag-asa at ang ating sandata. Matutukoy ng edukasyon ang tagumpay ng hinaharap ng bansa. Kung wala ito, hindi tayo magkakaroon ng progreso sa ating bansa. Mahalagang maunawaan na ang edukasyon ay magdadala sa atin sa ating mga layunin. Ang rason ng edukasyon ay para magkaroon ng kaalaman sa mga bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap. Naghahain ito bilang isang mekanismo na tutulungan tayong mag-isip at upang makagawa ng tamang desisyon sa araw-araw na buhay. Ito rin ang dahilan para sa mabuti at mahusay na mga kaganapan sa ating mundo at isang kapaligiran. Kailangan ng mga kabataan ang edukasyon dahil ito ang magiging sandata nila sa buhay sa hinaharap. Ang kabataan ay nararapat magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng pormal na programa sa mga paaralan.


Ang ating henerasyon ang ating pag-asa, kaya dapat nating bigyan sila ng tamang edukasyon na kailangan nila upang maabot ang kanilang mga pangarap.


“Ang edukasyon ay makakatulong sa pag asenso ng isang bayan.” - Dr. Jose Rizal.



322 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page